698
Gonzales binalaan si Duterte: Interes ng mga bilyonaryo ang mananaig kung hindi mag-eendorso ng manok sa pagka-Speaker
Jun 9, 2019 @ 20:03

Gonzales binalaan si Duterte: Interes ng mga bilyonaryo ang mananaig kung hindi mag-eendorso ng manok sa pagka-Speaker

JOHN CARLO M. CAHINHINAN

MANILA – Nagbabala ang isang kandidato sa pagka-Speaker na posibleng maghari at manaig ang interes ng mga bilyonaryong kabilang sa oligarkiya sa Kamara kung mananatiling neutral o walang kikilingan si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagka-Speaker ng Mababang Kapukungan ng Kongreso.

Paliwananag ni Gonzales, hindi naman lingid sa kaalamanan ng publiko na halos puro bilyonaryo ang may kontrol o hawak ng maraming partido politikal sa bansa at posibleng makontrol ng ilang mamayamang pamilya ang Mababang Kapulungan kung tuluyang hindi makikialam ang Pangulo at mamili ng kanyang mamanukin sa umiinit na labanan para sa liderato ng Kamara.

“Kapag hindi nakialam ang Pangulo, eh mga negosyante eh mga negosyantena ang papasok diyan,” babala ni Gonzales.

Iniugnay na din ni Gonzales ang kanyang babala dahil sa umano’y kumakalat na tsimis umabot na sa P7-milyon kada kongresista ang bilihan ngayon ng boto upang masungkit lamang ang liderato ng Kamara.

Ayon kay Gonzales halos mga bilyonaryo ang mga patron ng mga malalaking partido politikal sa bansa kagaya ng Partido Nacionalista, National Unity Party (NUP), at Nationalist’s People’s Coalition (NPC) at ang tanging grupo lamang umano na walang impluwensya ng mga mayayaman kabilang sa oligarkiya ay ang partido ng Pangulo, ang PDP Laban.

Si Gonzales na isa sa tatlong Speaker-wannabes mula sa hanay ng PDP ay umaasa na kung hindi man siya ang mapili ng Pangulo bilang susunod na Speaker ay manggagaling pa rin sa loob ng partido ang susunod na lider ng kapulungan.

“Kung may pagkakataon po akong makausap ang Pangulo, isa lang po ang pakiusap ko: Mr. President kung pwede po, hindi ko po pinapakiusap ang sarili ko maging Speaker. Ang pinapakiusap ko po, ang dapat maging Speaker at tiga PDP Laban,” paliwanag ni Gonzales.

“This is you party (Mr. President), at ito pong partido na ito at ang magiging Speaker—siya po ang magtutuloy sa mga magagandang programa ninyo at magpapalakas, makikipaglaban sa mga programan inumpisahan ninyo,” dagdag ng Kongresista.

Malaki umanong delubyo ayon sa kongresista mula sa Pampanga kung sakaling masulot ng ibang partido politikal ang liderato ng Kamara ngayong papasok na ika-18 Kongreso sa Hulyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?