108

Mar 16, 2020 @ 16:46
By

Gonzaga tumihaya sa bundok

Chill habang nakahiga sa ilalim ng puno si volleyball star Jovelyn Gonzaga sa kanyang pagbisita sa Mount Pulag sa Benguet.

Sa kanyang Instagram, nag-post si Gonzaga ng kanyang larawan at may caption pang “‘Allow nature’s peace to flow into you as sunshines flows into tree’- John Muir”.

Nagpost rin ang veteran opposite hitter sa kanyang Instagram story ng kanilang morning routine kasama ang Army volleyball team.

Makikita na tuloy sa pagtakbo at pag-workout ang koponan kahit pa may banta ng tumitinding coronavirus disease o COVID-19 pandemic.

Matatandaan na kanselado ang ilang sporting events sa bansa dahil sa banta ng COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?