213

Aug 6, 2019 @ 15:52
By

Gonzaga, Tubino, Pabayo hataw ulit sa Pacific Town Lady Troopers

Maganda ang pakita ng Pacific Town Army Lady Troopers sa 2019 PVL Reinforced Conference kaya asahan na magpapamalas muli ang mga ito papasok sa Premier Volleyball League Season 3 Open Conference.

Podium finish ang natapos ng Lady Troopers sa kanilang pagbabalik sa liga sa tulong nina veteran spiker Mary Jean Balse-Pabayo, Royse Tubino at Jovelyn Gonzaga.

Kasama parin sina setter Sarah Jane Gonzales at last conference Best Libero Angela Nunag, tiyak na magpapasiklab muli ang Lady Troopers laban sa walo pang mga koponan sa liga.

Para sa Open Conference, target pa ng veteran squad na malampasan ang kanilang natapos sa nakaraang conference.

Unang makakaharap ng Pacific Town Army ang Motolite sa darating na Agosto 14, Miyerkoles.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?