96

Dec 27, 2019 @ 19:05
By

Gonzaga todo panalangin sa maysakit na pamangkin

May matamis na mensahe si national women’s volleyball team member Jovelyn Gonzaga para sa kanyang pamangkin na si Calix Vander ‘CV’ Gonzaga na may malubhang karamdaman.

“Cv boy.. Happy Happy Birthday.. isa lang panalangin lahat for you na gumaling kna palangga at bumalik na pagiging malusog mo.. we love you palangga. Andito lang kaming lahat for you,” caption ni Gonzaga sa kanyang Instagram story.

Matatandaan na nagkaroon ng isang jersey auction ang mga sikat na atleta sa bansa para matulungan si baby CV na may Acute Lymphoblastic Leukemia.

Samantala, asahan naman na magpapakitang gilas muli si Gonzaga para sa Philippine Army Lady Troopers sa Premier Volleyball League at Cignal HD Spikers para sa Philippine SuperLiga sa susunod na taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?