62

Aug 22, 2019 @ 9:55
By

Gonzaga tinalbos ang Choco

Nagpasiklab si Jovelyn Gonzaga at ang Pacific Town Army Lady Troopers, tinagpas sa limang set ang Choco Mucho Flying Titans, 39-41, 19-25, 25-19, 25-20, 15-12, Miyerkoles, Agosto 21, sa first game ng Premier Volleyball League Open Conference sa Filoil Flying V Centre.

Pinangunahan ni Gonzaga ang Army sa kanyang triple-double performance na 24 points, 26 digs at 16 receptions.

“Ginawa namin nang third set, binaba namin ‘yung tempo namin. Tayuan lang muna. Tayo ang mag-phase, mag-control ng tempo ng game,” pahayag ni head coach Kungfu Reyes.

“Buti nung fifth set, mga naka-recharge kami ng three and four (set) kasi hindi na kami masyadong naggagagalaw.”

“And bumalik ulit ‘yung service namin so malaking bagay,” paliwanag pa ni coach Reyes.

Dahil sa panalo, nananatili pa ring malinis ang record ng Army sa 2-0 samantalang nadungisan sa 1-1 record ang Choco Mucho.

Balewala ang 23 points na naitala ni skipper Kat Tolentino at 15 markers ni Maddie Madayag.

Susunod na makakaharap ng Pacific Town Army ang PetroGazz Angels sa darating na Agosto 28

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?