13

Oct 4, 2020 @ 23:48
By

Gonzaga ramdam presensya ni Lord

Masaya si Philippine SuperLiga (PSL) at Premier Volleyball League (PVL) star Jovelyn Gonzaga dahil nagkaroon ng pagkakataong makapagdasal nang mataimtim.

Natali ng ilang buwan sa serbisyo bilang army/frontliner ang national team player kaya matagal na ‘di nakadalaw sa simbahan.

“Thank u Lord,” caption ng 28-anyos balibolista kasama ang litrato ng simbahan, na kalahating taon din aniyang ‘di napasok dulot ng quarantine period.

“After 6 months,” dagdag pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?