196

Aug 23, 2019 @ 13:39
By

Gonzaga, Daquis, Cignal abante sa all-Pinoy Finals

Ginimbal ni Jovelyn Gonzaga at fifth seed Cignal ang nakamata sa three-peat championships at top seed Petron, 30-28, 25-21, 17-25, 23-25, 15-8 sa do-or-die semifinals ng 7th Philippine SuperLiga All-Filipino Conference 2019 Huwebes ng gabi sa FilOil Flying V Centre, San Juan.

Sa likod ng krusyal na 17 points mula sa 15 attacks at 2 blocks at 21 digs ni MVP of the game Gonzaga, 22 markers ni Rachel Anne Daquis, at 12 excellent receptions ni Alohi Robins-Hardy, giniba ng rank ng HD Spikers ang naghahangad ng ikawalong finals appearance at may twice-to-beat advantage Blaze Spikers sa isa sa malaking upset sa kasaysayan ng women’s pro volleyball sa bansa.

Sina Gonzaga at Daquis ang kumumpleto sa balikwas sa serye ng Cignal at sa game sa paglusot pa rin sa Petron kahit naglaho ang 2-set edge.

Sila rin ang nagsindi sa 8-0 lead sa decider bago nagsalimbayan sina hitters Ranya Musa na may 12 points, Janine Navarro at Roselyn Doria na may 10 at siyam na puntos, libero Jheck Dionela na kumayod ng 30 digs at 21 excellent receptions at Hardy sa pagtiklop sa marathon game.

“Di ako kumpleto kung walang volleyball. Passion at mahal ko ang sport,” suma ni Gonzaga na pakamatay sa bawat palo niya at humagulgol tapos ng laro sa matindi niyangf pagbabalik sa laro mula sa injury.

Sa pagsakop sa second finals seat, makakatauos ng Cignal ang second seed F2 Logistics sa best-of-three championhip simula bukas ng alas-6 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum. Alas-4 ng hapon ang battle for bronze medal ng Petron at third seed Foton.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?