163
Gonzaga curacha sa Pacific, Cignal
Aug 22, 2019 @ 19:33
By

Gonzaga curacha sa Pacific, Cignal

Sa mga nagdaang araw, ipinakita ni opposite hitter Jovelyn Gonzaga kung bakit tinawag siyang “Bionic Ilongga” ng volleyball.

Nito lamang Martes, lumaro si Gonzaga para sa semifinals ng PSL All-Filipino Conference kasama ang Cignal HD Spikers para talunin sa five sets ang Petron Blaze Spikers.

Wala pang bente kwatro ras ang lumipas, sabak naman si Gonzaga sa Pacific Town Army Lady Troopers Miyerkoles kontra Choco Mucho Flying Titans na kanilang pinagwagian 39-41, 19-25, 25-19, 25-20, 15-12 sa Premier Volleyball League Season 3 Open Conference.

“Lagi ko ngang sinasabi, gusto kong mag-give back sa coaches [Army coach Kungfu Reyes at Cignal coach Edgar Barroga] na nag-iintindi sa akin, kasi siya [Reyes], grabe ‘yung pag-intindi niya sa akin. Hindi niya ako binubugbog sa training,” kwento ni Gonzaga.

Double-double ang performance ni Gonzaga sa PSL sa pagkulekta ng 15 points at 23 digs.

“At the same time sa kabila [Cignal], sobrang nilang iniintindi ‘yung case ko, ito naman ‘yung way ko paano ako makabalik ng tiwala.”

Para naman sa PVL, bumanat si Gonzaga ng triple-double output sa kanyang 24 points, 26 digs at 16 excellent receptions.

“Pagod na pagod, pero wala high morale ako kasi puro panalo ‘yun na lang ang attitude, wala akong iniisip na ibang bagay,” saad nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?