293
Gonzaga, Army napapagod din
Jul 4, 2019 @ 15:50
By

Gonzaga, Army napapagod din

Hindi man pinalad na makuha ang first game ng best-of-three semifinals sa Premier Volleyball League Season 3 Reinforced Conference nitong Miyerkoles kontra Creamline Cool Smashers, hindi naman nawawalan ng kumpiyansa si veteran opposite hitter Jovelyn Gonzaga ng Pacific Town Army Lady Troopers.

Batid ng mga fan na hindi lang para sa Lady Troopers naglalaro si Gonzaga dahil humahataw rin ito para sa kanyang isa pang team na Cignal HD Spikers sa kabilang liga.

“’Yun na ‘yun. Parang I don’t have a choice. Kapag sinasabihan nila ako na nakakapagod naman ‘yung ginagawa ko, if I only have a choice mas pipiliin ko magpahinga pero I don’t have any choice.” kwento ni Gonzaga.

“Tao lang din naman ako, napapagod din.”

Pipilitin ng Pacific Town Army na pahabain pa ang serye sa semifinals kontra sa defending champions.

“Siyempre alam naman natin na ‘yung Creamline talaga is top-caliber talaga na kalaban. Siyempre alam mo ‘yung pareho kaming nagtatrabaho, sila nagtatrabaho din naman. So siguro it’s a matter of breaks of the game and lumalabas din siguro yung galing din,” wika niya na naka-apat na puntos lamang.

Susubukin nina Gonzaga at ng Lady Troopers na makaahon sa do-or-die Game 2 sa Sabado kontra sa Cool Smashers na gaganapin sa Ynares Sports Center sa Antipolo City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?