114

Dec 16, 2017 @ 16:34
By

Gong Yoo inilantad ang pinagdaanang hirap

Ang Korean actor na si Gong Yoo ang cover ng Elle sa pagpasok ng taong 2018. Sa Los Angeles ginawa ang pictorial at isa raw si Gong Yoo sa nag-contribute sa looks ng pictorial in-terms of his hairstyle at concept.

Sa interview niya sa Elle napag-usapan kung bakit napakatagal na simula nang gawin niya ang ‘Goblin’ ay wala pa rin siyang bagong project.

Last year pa nang gawin ni Gong Yoo ang ‘Goblin’.

Dito isiniwalat niya ang dahilan. Aniya, “Aren’t there times when you are busy and stressed for a long time and just collapse when it’s over? Both physically and mentally, all the painful things came upon me all at once. After falling apart, holding on, and letting go, I think I’ve finally returned to who I am and had a little time to myself.

“It’s been hard but I did want to do a movie this year. However, when I was ready to do it, there weren’t any productions at hand. I’ve been thinking lately that I want to become a member of a group of like-minded people telling a new story again.”

Hindi nga malayong kahit matagal na ang ‘Goblin’, posibleng sa Korean film muna mapanood ng mga fans ang actor sa halip na sa TV drama. Ang nakakapagod at mahabang filming daw ng drama ang tila iniiwasan nito.

Kunsabagay, sa Korean film na ‘Train to Busan’ din ang naging daan na nakabalik muli si Gong Yoo sa pagiging Hallyu star status. (Rose Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?