12

Jun 10, 2021 @ 13:17
By

Gomez laglag sa round-of-16

Laglag na si Pinoy cue artist Roberto Gomez sa 2021 World Pool Championships matapos yumukod kay Skyler Woodward ng US, 11-7 sa round-of-16 nitong Huwebes sa England.

Dikit pa ang bakbakan at huling nag tabla sa iskor na 7-7, bago maglaho ang tikas ni Gomez at hindi na nakaiskor pa.

Sa kabila nito’y mag uuwi pa rin ng $4,000 (P190,000) si Gomez bilang pagpasok sa round-of-16.

Ito na rin ang huling torneo ng mga Pinoy cue artist sa Milton Keynes, England matapos ang ilang buwan na pagsabak sa sunod-sunod na torneo.

Sa parehong lugar ay sumabak rin si Gomez, ka-partner ang isa pang Pinoy na si Jeff De Luna sa World Cup of Pool at sa World Pool Masters.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?