4

Sep 29, 2020 @ 22:41
By

Gomez kinapos sa online chess

HUMARUROT sa huling apat na round si Olympiad veteran Grandmaster John Paul Gomez pero kinapos pa rin at pumangwalo lang sa katatapos na Joytu Sheik Hasina Online Chess Tournament 2020.

Sumadsad si Pinoy woodpusher Gomez kay Indonesian International Master Novendra Priasmoro sa third round.

Pagkatapos ay nagtala ng 4.5 points sa huling anim na laro upang ilista ang 6.5 pts at sumalo sa five-way tie sa No. 4.

Pero lumanding ang 34-year-old Pinoy woodpusher sa eight spot matapos ipatupad ang tie break points.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?