23

Nov 19, 2021 @ 22:13
By

Gomez De Liano, Tokyo tinapos ang bangungot

Nakatanggap na at niregaluhan pa ni Juan Gerardo Gomez De Liano ang sarili sa pagdiriwang ng ika-19 na kaarawan Biyernes ng gabi nang ratratin ng Earthfriends Tokyo Z ang Ehime Orange Vikings via 98-65 win sa 6th B.League 2021-22 second division regular round sa Ota City General Gymnasium sa Tokyo Prefecture, Japan.

Bakas ang Pinoy import ng seven points, four assists, at tig-one rebound at steal sa no-turnover 25-minute job para tapusin ang kamalasan ng kampo sa unang panalo sa 14 na salang kasabay sa pagbalya sa biktima sa 3-11.

Pasiklab sa Tokyo si Takumi Masuko na nagbaon ng 18-point, 7-assist at 3-steal game para maging patok ang Earthfriends sa rematch din agad sa Ehime ngayong Sabado.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?