115

May 5, 2021 @ 22:51
By

Goma pumiyok sa ‘Senadora Lucy’

Sinabi ni Ormoc City Mayor Richard Gomez na posibleng tumakbo sa mas mataas na posisyon ang kanyang misis na si Leyte Rep. Lucy Torres-Gomez sa 2022 elections.

Aniya, hindi nila inaalis ang posibilidad ng pagtakbo ni Lucy sa senatorial race.

“Kung maganda ‘yung survey niya at susuportahan siya ng buong Region 8 o ng Visayan Region malaking bagay,” sambit ng alkalde sa Manila Bulletin report.

Aniya, malaking bagay din na magkaroon ng senador na mula sa Visayas para maitaguyod ang pagpopondo sa mga infrastructure project at programa ng rehiyon.

Magugunitang sa ilang survey, kabilang si Lucy sa mga matunog sa pagka-senador.

Kamakailan ay nilantad ni Richard na plano niyang tumakbo sa pagka-congressman.

Gusto raw niyang palitan si Lucy bilang kinatawan ng Leyte 4th District dahil huling termino na ng kanyang asawa.

Palit daw sila ng posisyon dahil si Lucy naman ang tatakbo sa pagka-mayor.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?