342

Jul 26, 2020 @ 15:12
By

Goma nadamay! Alice Dixson hinubaran na ang ‘taong ahas’

Makalipas ang ilang dekada, dinetalye na ni Alice Dixson kung anong tunay na nangyari sa matagal nang urban legend na ‘taong ahas’.

Sa kanyang vlog, pinaliwanag ni Alice kung paano nagsimula ang nasabing kwento at kung bakit tumagal hanggang ngayon ang usap-usapan na siya’y natipuhan ng umano’y pambihirang nilalang.

Lahad ni Alice, nagtungo siya sa Robinson Galleria para sa shooting ng isang pelikula, at bandang gabi ay kinailangan magtungo sa banyo ng department store para magpalit sa kanyang costume.

“May mga nag-oosyoso sa labas. And for some reason, while i was inside the bathroom, I said, ‘tuklaw-tuklaw’,” lahad ni Alice, na aniya’y pinagmulan kung bakit nadikit ang kanyang pangalan sa ‘taong ahas’.

Isang aktor din umano ang naging dahilan kung bakit niya nasabi ang ‘tuklaw’ na hindi inakala na magiging malaki itong istorya.

“Maybe because I was just being funny? I was trying to get a laugh sa mga kasamahan ko? I was being young and silly? Also because yung time an yun, my co-star sa ‘Dyesabel,’ Richard Gomez, had a movie that was called ‘Tuklaw’,” kwento ni Dixson.

Tinawagan pa umano siya ng mall representative para itanong kung totoo ang kumalat na natuklaw siya ng ahas sa kanilang gusali, ngunit kinontra ito ni Alice.

Hindi na rin umano siya nagsalita ukol dito, na aniya’y naging dahilan kung bakit lumaki ang haka-haka tungkol sa urban legend.

“Even before, when there is something false circulating, naniniwala ako na hindi ko kailangan patulan. I don’t have to be defensive about it. This is one of the reasons bakit hindi ako nagkumento noon,” paliwanag ng aktres.

“Nothing really happened in the way that the urban legend or the myth dictates.”

“I really didn’t feel the need to talk about it or defend myself,” she added.

Ngayon lang umano siya nagsalita ukol sa nasabing kwento dahil nangako siya sa isang kaibigan na kanyang ilalahad ang katotohanan ukol sa taong ahas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?