35

By

Goma muling tatakbo bilang mayor ng Ormoc City, Leyte

Sharing is caring!

Naghain na ng certificate of candidacy si Richard Gomez para sa ikalawang termino sa Ormoc City Leyte.

Kasama niyang sa paghahain ng kandidatura ay ang kanyang running mate na si Vice Mayor Leo Carmelo Locsin Jr., kanyang misis na si Leyte 4th District Rep. Lucy Torres-Gomez at ang kanyang buong ticket sa opisina ng Comelec nitong Huwebes.

Ang magiging pokus ni Gomez ay kampanya kontra droga at mapanatili rin ang peace and order sa nasabing lungsod.

Hindi pa naman sigurado ng kanyang misis na si Lucy Torres-Gomez kung kailan maghahain ng kanyang COC sa Leyte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?