79

By

Goma, Lucy ‘God, Goddess of Beauty and Love’ sa Paris

“Lovers in Paris plus one” ang drama ngayon nina Ormoc Mayor Richard Gomez at Cong. Lucy Torres kasama ang kanilang anak na si Juliana.

Yes, ibinahagi nga ng tatlo kung gaano sila kasaya sa kanilang Holiday rendezvous sa pinaka-romantic place sa buong mundo lalo na ang kuha nila sa Eiffel Tower na talaga namang larawan sila ng isang totoong God and Goddess of Beauty and Love.

Siyempre, hindi naman nagpahuli ang kanilang unica hija na parang isang super model sa kanyang emote at porma sa may veranda ng kanilang tinutuluyang hotel na napaka-picturesque din ang background, huh!

Sabi ni Goma, sobrang happy niya na well-spent ang kanyang bakasyon kasama ang kanyang dyowa at dalaga na paminsan-minsan na rin nilang nagagawa dahil sa kaabalahan sa trababaho.

Ayon naman kay Lucy, ang dami ring pagkakataon na madalas silang hindi maging buo dahil sa demand nga ng kanilang posisyon, at ang pagkakataong ito ay tini-treasure nila lalo na’t wala silang inaaalalang iba kundi ang pagiging mag-asawa lamang, maging lalaki at babae, at maging magulang sa kanilang anak na 18 years old rin ngayon.

Happy holdays sa Gomez family!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?