456
Goma kinontra ng ilang netizen sa ‘ipinagawang’ kalsada ni Lucy
By

Goma kinontra ng ilang netizen sa ‘ipinagawang’ kalsada ni Lucy

Hindi nakaligtas sa mapanuring paningin ng ilang netizen ang caption sa larawan ni Ormoc City Mayor Richard Gomez na tungkol sa isa sa mga ipinagawang kalsada ng misis niyang si Congw. Lucy Torres.

Sa kanyang Instagram noong April 14 nag-post si Goma ng larawan habang magkahawak-kamay sila ni Lucy at naglalakad sa kalsada.

Nilagyan niya ito ng caption na, “During one of our campaign sorties @lucytgomez and I stepped out of our car to check one of the roads that Lucy built.”

Kinontra ng ilang netizen ang pahayag at ikinorek si Richard.

Anila, ang mga kalsada umano ay nagawa sa pamamagitan ng pera ng mga taxpayer.

dorytab: @richardgomezinstagram .. should have been written as … ROAD BUILT WITH THE SUPERVISION OF LUCY USING PEOPLE’S TAX MONEY…. for those people who have narrow minds…

popixinsta: Mayor iniatives po ni mAam lucy ang pagpapagawa ng kalsada…pero at the end of the day, taxpayers or taongbayan pa din ang gumastos.

Sinagot naman ito ni Goma ng, “Supervision is with the DPWH. Initiative is with Lucy to have the roads built.”

Depensa pa ni Richard, pera nga umano ng mga taxpayer ang ginamit pero kaunti lang na kalsada ang maipapagawa kung tamad ang isang kongresista.

“Of course. Pero kapag tamad ang congressman mo konti lang ang magagawa na kalsada sa lugar,” ani Gomez.

Target ni Richard ang panibagong termino ngayong May elections matapos siyang manalo sa pagka-alkalde sa nabanggit na siyudad noong 2016.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?