3
views
chess
By

Goloran kinalos si Carganilla

Sharing is caring!

NASIKWAT ni Quezon City bet Jhulo Goloran ang kampeonato matapos kalusin si Puerto Princesa ace Mark Anthony Carganilla sa final round ng katatapos na 1st Don Casiguran and Friends Open Chess Cup na ginanap sa Senate Covered Court sa Barangay 173, North Caloocan, Caloocan City.

Kinalawit ni Goloran ang top prize P2,000 plus trophy matapos makalikom ng 5.5 puntos mula sa 5 panalo at isang tabla sa 6 na laro sa one-day event.

Nakopo ni Alexis Emil Maribao, miyembro ng Iglesia Ni Cristo chess team ang second place matapos pisakin si Ricardo Copones ng North Caloocan at ilista ang 5.0 puntos, kaparehong karta ni Almario Marlon Bernardino Jr. na nanaig kontra Dipolog City top gunner Michel Jackson Ambuang.

Lumanding sa third si Bernardino Jr. matapos ipatupad ang tiebreak points sa event na sinuportahan nina Barangay Kagawad Pel Balubar, Vicky Dahino, Ebot delos Santos, Bong Duenas ,Sonny Calaguing, Loy Ligon, Ros Encinas at ng Saint Anthony chess team.

Ang mga nanalo sa kani-kanilang kategorya ay sina Al-Basher “Basty” Buto (Top 8 years old and below), Roy Loyola (Top Palmera), Abdul Rahman Buto (Top 12 years old), Phil Martin Casiguran (Top 6 years old), Alysah Buto (Top 10 years old), Don Casiguran (Top Sta. Cruz), Nathaniel Mirambel (Top Seniors), Godofredo Cayanan (Top Rainbow) at Jean Luk Realino (Top Senate).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?