53
Golfer patay sa hotel, tournament kanselado
By

Golfer patay sa hotel, tournament kanselado

Natagpuan ang walang buhay na katawan ng isang Malaysian golfer sa kasagsagan ng torneong PGA Tour Series-China.

Sa inilabas na statement ng PGA Tour Series-China, sila’y nakiramay sa mga naiwan ni Arie Irawan, 28-anyos, na nasawi dahil umano sa ‘natural cause’, hindi naman kinumpleto ang report ng coroner na magsasabi sana ng sanhi ng pagpanaw nito.

“The PGA Tour and the China Golf Association grieve at this loss of one of our members and share sincere condolences with Arie’s wife, Marina, and his parents, Ahmad and Jeny. When something of this magnitude occurs in the golf world, we all grieve at the same time,” saad sa statement.

“Out of respect for the family, officials canceled the final round of the Sanya Championship … it’s a true tragedy what has happened. Sometimes, though, things happen in life that are bigger than a sporting event.”

May memoriam na inilabas ang PGA bilang pagbibigay-pugay kay Irawan.

Samantala idineklarang panalo si Trevor Sluman sa nakanselang kompetisyon na kumuha ng 18-under, may total na 198.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?