37

Jun 22, 2022 @ 22:11
By

Golf course sa harap ng National Museum ilalaan sa mga BBM supporter

Ilalaan sa mga supporter ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang golf course sa harap ng National Museum sa Maynila sa nalalapit na inagurasyon nito sa June 30.

Pero ayon kay Philippine National Police officer-in-charge Lt. Gen. Vicente Danao, lilimitahan lamang ang mga tao sa Intramuros Golf Course at magiging mahigpit ang seguridad nila rito.

Magsisilbi aniyang viewing area ang golf course para sa mga hindi makakapasok sa National Museum, na mga VIP lamang ang papayagan.

Kaya umanong mag-accommodate ng hanggang 10,000 katao sa Intramuros Golf Course.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?