17

By

Golden Tigresses, lusot na sa semis ng PVL

Sharing is caring!

NAKAPASOK na sa semi-finals ang University of Santo Tomas Golden Tigresses matapos nilang talunin ang College of St. Benilde Lady Blazers, 26-24, 29-27, 25-17 sa 2018 PVL Collegiate Conference sa FilOil Flying V Arena sa San Juan ngayong Sabado.

Matapos ang dikitan na unang dalawang set, hindi na pinayagan ng UST na dumikit pa ang Lady Blazers, 25-17.

“Para kaming yung panahon ngayon: gloomy, umuulan, malamig, pilit naming binubuhay,” ani interim head coach Ian Fernandez.

“Yung aura nila sa loob nararamdaman namin sa labas, yun yung lagi kong sinasabi sa kanila,” dagdag ni Fernandez.

Mayroong tig 13 na puntos sina Ysa Jimenez at Milene Alessandrini samantalang 11 puntos naman ang kay Laure.

Pinangunahan ni Marites Pablo ang Lady Blazers na pumuntos ng 14.

Nasa tuktok ng standing ang Golden Tigresses na may 5-0 kartada samantalang 1-3 naman ang Lady Blazers.

Ang wala pang talo na Adamson University Lady Falcons ang sunod na makahaharap ng Golden Tigresses samantalang San Sebastian Lady Stags naman ang haharapin ng Lady Blazers.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?