15

By

Golden Spikers wala pa ring talo sa PVL

Sharing is caring!

NANAIG ang University of Santo Tomas Golden Spikers laban sa Adamson University Soaring Falcons, 25-22, 26-24, 25-22, sa 2018 PVL Collegiate Conference sa FilOil Flying V Centre sa San Juan nung Sabado.

Kahit nasa match point na ang Golden Spikers, 24-20, nagkaroon ng pagkakamali si Aldous Casillan bago pumalo si Falcon Royce Bello para idikit ang laban, 22-24.

Tinapos naman ni Juren Buro ang laban sa pamamagitan ng spike, 25-22.

“I just let them play, minimal intervention lang ako hinayaan ko na dumiskarte sila, “ ani UST head coach Odjie Mamon.

“Aggressive kami mag serve ngayon, with greater risk comes bigger reward,” dagdag ni Mamon.

Mayroong 31 errors ang Golden Spikers samantalang mayroon lamang 19 ang Adamson.

Nangunguna na ngayon ang UST na mayroong 5-0 kartada samantalang 4-2 naman ang Adamson.

Sunod na makalalaban ng UST ang San Beda Red Lions sa Miyerkules, Agosto 15, samantalagang National University Bulldogs naman ang makahaharap ng Adamson University sa Sabado, Agosto 18.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?