20

Golden Globe award ipinagdiwang ni Darren Criss kasama ang inang Cebuana

Kasama ni Filipino-American actor Darren Criss ang nanay niya sa pagselebra sa pagkapanalo niya sa 76th Golden Globe Awards.

Ibinahagi ni Criss sa kanyang Instagram ang picture nila ng kanyang Cebuana mom habang yakap siya nito.

“Morning after Golden Globes celebration was full of Filipino treats including this fun spritely lady with me,” ani Criss sa caption.

Dagdag pa nito pangarap umano ng kanyang ina na makapunta ng Amerika at maimbitahan sa glamorous parties.

“Who dreamed of coming to this country and getting invited to glamorous parties like this… Well Mom, I’m glad you made it,” ani Criss.

Si Criss ang itinanghal na Best Actor in a Limited Series or a Motion Picture Made for Television sa Golden Globe dahil sa mahusay nitong pagganap bilang serial killer sa “The Assassination of Gianni Versace” noong January 7, 2019.

Sa kanyang speech inialay niya ang award sa kanyang Pinay na ina. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?