93

Dec 28, 2019 @ 17:25
By

Gohing proud sa BF na si Rocco

Proud girlfriend si Creamline Cool Smasher libero Melissa Gohing para sa boyfriend nitong si actor Rocco Nacino sa kakatapos lang na Metro Manila Film Festival awards night.

Magkasama ang dalawa sa naganap na event nitong Biyernes ng gabi sa ‘MMFF 2019 Gabi ng Parangal’ sa New Frontier Theater sa Cubao.

Sa kanyang Instagram stories, nag-post ang veteran libero ng kanilang litrato at may caption pang “So proud of you! Nominated as Best Actor @nacinorocco”.

Kinabibilangan ni Nacino ang pelikulang “Write About Love” na nagwagi ng 2nd Best Picture.

Sa isa pang post, tinanong naman ni Gohing si Nacino ng “Are you happy?” tumugon naman ang aktor ng “Yes! Write About Love, eight awards!”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?