79

Nov 9, 2021 @ 20:30
By

Goggles balak ipalit sa face shield

Binira ni Manila Mayor Isko Moreno ang Department of Health (DOH) dahil sa pagkonsidera sa paggamit ng goggles pamalit sa face shield.

“Really? Naghahanap na naman sila ng gastusin sa tao?” saad ni Moreno sa panayam sa ANC.

“You cannot ask people to continue to spend on something that is not viable, that is not feasible and that is not helpful. Hirap na hirap na ang tao. Mas mahal ‘yung goggles,” dagdag niya.

Nauna nang sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na tinatalakay ng DOH ang paggamit ng goggles bilang pamalit sa face shield.

Sinabi niya na pinoprotektahan ng goggles ang mga mata mula sa pagpasok ng COVID-19.

“Iyan talaga ang direction ng pag-uusap. Primarily, kaya natin minandate na ang face shield ay gamitin natin for us to protect our eyes because there are evidence to state na ang COVID-19 can also penetrate ang eyes natin at puwede tayo maimpeksiyon,” paliwanag ni Vergeire.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?