18

Apr 5, 2021 @ 15:07
By

‘Godzilla vs. Kong’ umariba sa pandemya

Nabuhayan ng loob ang movie theater industry matapos pumatok sa panahon ng pandemya ang sagupaan ng isang giant radioactive lizard at oversized ape.

Ayon sa Warner Bros., tumiba ng $48.5 million sa five-day holiday weekend sa North America ang movie nilang “Godzilla vs. Kong”.

Agad ding kumita ang pelikula ng $32.2 million sa tatlong araw pa lamang na pagpapalabas sa kabila na hindi pa full capacity ang mga sinehan.

Para sa chief analyst ng Boxoffice.com na si Shawn Robbins, isang pakiramdam na bagong buhay ito sa mga may-ari ng sinehan at magbibigay naman ng mas malaking kumpiyansa na maglabas ng mga pelikula sa sinehan ang mga movie studio.

Impresibo aniya ang resulta para sa “Godzilla vs. Kong” lalo na’t available ito sa mga HBO Max subscriber.

Magugunitang dahil sa pandemya, kinailangan ng movie industry na isara ang mga sinehan sa buong mundo.

Maliban sa “Godzilla vs. Kong”, nag-Top 10 sa takilya ang “Tenet” ($20.2M), “Wonder Woman 1984” ($16.7M), “The Croods: A New Age” ($14.3M), “Tom and Jerry” ($14.1M), “Raya and the Last Dragon” ($8.5M), “The New Mutants” ($7M), “Nobody Universal” ($6.8M), “The Little Things” ($4.7M) at “Honest Thief Open Road” ($4.1M).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?