90

Sep 22, 2019 @ 13:31
By

‘God bless!’ Mabait na Grab driver pinasalamatan ng mga netizen

Pinuri ng mga netizen ang isang Grab driver na hindi na nagpabayad ng pamasahe sa sakay niyang dengue patient, at nag-abot pa ng pinansyal na tulong sa pamilya nito.

Bandang alas-nuwebe ng gabi noong Setyembre 18, 2019 nang marating via Grab ni Jhane Espina at limang kaanak ang ospital upang isugod ang kapatid niyang may dengue.

Matapos maihatid, kusang tumanggi na umano si Ronaldo De Guzman nang magbayad sina Espina ng pamasahe na nagkakahalagang P310.

Sa halip, ito pa mismo ang nag-abot sa mama ni Espina nang P1,000 tulong-pinansiyal sa kapatid na may sakit.

“Ayaw po sana namen tanggapin pero ayaw nya umalis hanggat di namen tinatanggap yung pera (emoji: nakangiting mukha),” saad ni Espina.

Nagpasalamat si Espina sa Facebook at pinost pa ang mukha at mga detalye ng Grab driver.

https://www.facebook.com/jhane.espina29/posts/1532706693520879

Pinagpugayan si De Guzman ng mga netizen, at humiling na sana tularan siya ng iba pang Grab drivers.

“Ang GALING mo kuya grab driver sana all,” sabi ni Norma Ambe Centillas.

“Ang bait ni kuya. Godbless u kuya (emoji: puso),” ayon naman kay Kim Ashley Torres.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?