102

Oct 31, 2017 @ 14:19

GOCCs na namumudmod ng bonus, tatapyasan ng budget

Puntirya ni Senadora Grace Poe na patapyasan ang badyet para sa taong 2018 ang mga ahensya ng gobyerno na namigay ng hindi otorisadong bonus batay sa ulat ng Commission on Audit (COA).

Ayon sa senadora, dapat ding panagutin ang mga namudmod ng bonus dahil sa pag-abuso at maaring dahil din sa kamangmangan sa batas.

“It’s unconscionable that tese GOCCs have granted bonuses, allowances and other benefits to employees without legal basis,” pahayag ni Poe.

Reaksyon ito sa ulat ng COA na namigay ang walong ahensya sa ng mga bonus, allowance at iba pang benepisyo na walang legal na batayan.

Nanguna rito ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na higit kalahating milyong piso diumano ang ipinamigay.

“Those responsible should therefore be held accountable for acting within impertinence, hubris, or even plain ignorance of the law,” diin ni Poe.

Sa pagsusuri ng COA, noong taong 2016, umabot sa halos P620 milyon ang ipinamigay na bonus at benepisyo ng sumusunod.

  1. PCSO                                                       –        P518.314 milyon
  2. Small Business Corporation                    –        P46.448 milyon
  3. National Electrification Administration   –        P23.683 milyon
  4. Philippine Coconut Authority                  –       P11.4 milyon
  5. National Food Authority                          –       P10.097 milyon
  6. Apo Production Incorporated                  –       P10 milyon
  7. Human Settlements Development Corp. –       P 2.085 milyon
  8. Intercontinental Broadcasting Corp. (IBC13) –       P219,000

“What have the PCSO, Small Business Corp., or NEA done to merit these allowances? PCSO, the biggest culprit in this scam against the use of government funds, would allow hazard pay for non-public health workers and even issue a weekly draw allowance, both of which have no basis in law and are unjustifiable by common sense,” galit na pahayag ni Poe. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?