7

Mar 17, 2021 @ 13:22
By

Gobyerno target maturukan 450K tao kada araw sa Abril

Hangad ng pamahalaan na mabakunahan kontra coronavirus disease ang nasa 450,000 indibidwal araw-araw sa Abril.

Sagot ito ni Health Secretary Francisco Duque III nang matanong kung ano ang goals ng gobyerno para sa susunod na buwan.

“We’re looking at 4,500 vaccination sites with each site vaccinating 100 individuals,” sambit ng kalihim sa ANC, Miyerkoles.

“So we’re looking at 450,000 vaccinees per day…as soon as the vaccines have come,” punto niya pa.

Inaasahan aniyang darating sa huling linggo ng Marso hanggang unang linggo ng Abril ang dagdag na 900,000 doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccine at 1.4 milyong doses naman ng Sinovac bakuna.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?