63

Nov 5, 2017 @ 15:13

Gobyerno sali din sa ‘Lord Heal our Land’ campaign ng Simbahan

Nakikiisa  ang  gobyerno sa  hangarin ng  simbahan na  “mapaghilom” ang bansa  sa  pagkahati-hati dahil sa  epektong  dulot  ng  anti-drug  campaign  ng  Duterte  administration.

Sinabi kahapon ni acting Presidential Spokesman Harry Roque, napapanahon ang  hakbang  na  ito ng  Simbahan para mapagkaisa  ang  mga  grupong nagkanya-kanya dahil sa  pulitika.

Makailang  ulit  aniyang  inihayag  ni Pangulong  Rodrigo Duterte  na hindi kinukunsinti  ng kanyang gobyerno ang  extra  judicial at  vigilante killings kaya’t iniimbestigahan ng mga awtoridad na posibleng nakalabag sa kanilang inilunsad na anti-drug  operations.

Sinabi ni Roque  na  panahon na  para  magkaisa  at tulungan ang  gobyerno na  ibangon ang  bansa at malinis  sa problema sa  droga,  kriminalidad  at korapsiyon.

“The President has repeatedly mentioned that he allows constructive dissent and that he would even give protesters the democratic space and time to enjoy the rights to peacefully assemble, seek redress and air their grievances,,” pahayag ni ROque.

“We reiterate that this administration does not – and will never – condone extrajudicial and vigilante killings.  Our authorities have been investigating 2, 243 incidents with drug-related motives, as of end September, and the President himself made a clear stance that any violation committed by the police during operations would be dealt with accordingly. Accountability is essential to good governance,” dagdag pa nito.

Inihayag  din ng  tagapagsalita  ng  Palasyo ang  kagustuhang magkaroon ng  magandang  samahan sa Simbahang  Katoliko at  magkaroon ng  kooperasyon sa  mga  lider-simbahan at  makipagtulungan sa  mga  programa  ng  pamhalaan  partikular sa  anti-drug campaign at  rehabilitasyon ng  mga  drug  dependents. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?