49

Nov 30, 2019 @ 14:18
By

Gobyerno pinagbabayad ng P7.4B sa Manila Water

Dapat bayaran ng P7.39 bilyon ng gobyerno ng Pilipinas ang Manila Water Co., ayon sa Permanent Court of Arbitration (PCA) sa Singapore.

Ito umano ay dahil sa nawalang kita ng Manila Water matapos hindi payagan ng gobyerno na magtaas ng singil sa nakalipas na apat at kalahating taon.

“The tribunal ruled that Manila Water has a right to indemnification for actual losses suffered by it on account of the (government’s) breach of its obligation,” saad ng water concessionaire sa Inquirer report.

Samantala, hihintayin umano nila ang Solicitor General’s briefing tungkol sa nabanggit na isyu, ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez III.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?