37

By

Gobyerno, No.1 sa ‘endo’ – Escudero

Sharing is caring!

Iginiit ni Senador Francis “Chiz” Escudero sa Malacanang na ipatigil ang labor-only contracting, tinaguriang endo o end-of-contract scheme, sa mga tanggapan ng gobyerno.

Ayon sa senador, nasa gobyerno ang pinakamaraming kontraktuwal kaya gobyerno mismo ang may endo samantalang ito ang nagsasabi na bawal ito at agrabyado rito ang mga trabahador.

“Ang problema mo lang gobyerno mismo ang number one violator. Ang may pinakamaraming contractual, at job orders sa buong Pilipinas ay gobyerno. Nagsimula kasi ‘yan noong nagrationalization plan ang gobyerno,” ani Escudero.

Dapat aniya itong atupagin ng gobyerno bago nito maresolba ang endo sa pribadong sektor.

“Essentially, it would have been nice if the government started it first. And then sige, ayusin muna namin iyong sa amin. Ngayon sa private sector magta-transition tayo,” dagdag nito,

Hati naman aniya sa responsibilidad ang Malacanang at Kongreso para maipatigil ang endo.

Sa pamamagitan ng executive order, maaring ilahad ng Malacanang ang polisiya nito laban sa kontraktwalisasyon.

Ang Kongreso naman ang kailangan umanong mag-amiyenda sa Labor Code para maging klaro ang pagbabawal sa endo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?