48

By

Gobyerno nanghula lang sa bilang ng mga adik – Hontiveros

Sharing is caring!

Nadismaya si Senadora Risa Hontiveros sa Dangerous Drugs Board dahil hindi nakapagbibigay ng tamang datos ukol sa dami ng mga gumagamit ng ilegal na gamot sa buong bansa.

Sa pagtalakay sa panukalang pambansang budget para sa taong 2018, pinuna ni Hontiveros na madalas sabihin ni dating DDB chairman Dionisio Santiago na tatlo hanggang apat na milyon ang mga drug dependent sa bansa pero kinalaunan ay umamin na “guesstimate” o hula lamang iyon.

“Ilan ba talaga ang drug users sa Pilipinas? Inamin po ninyo na ang 3-4 million na numero ng drug users ay isang guesstimate lang. However, we need to be precise about these figures because they have budgetary implications, not only for your agency and the Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) but also for the Department of Health (DOH). We cannot plan the country’s national budget based on a ‘guesstimate,” diin ni Hontiveros sa gitna ng plenary debates ukol sa DDB budget.

Sa DDB 2015 Nationwide Survey, sinabing 1.8 milyon ang mga Pilipinong gumagamit ng ilegal na droga.

Sinabi ito ni dating DDB Chairman Benjamin Reyes sa mga panayam kaya nasibak dahil salungat iyon sa lagging sinasabi ni Pangulong DUterte na nasa apat na milyon na ang mga drug addict sa bansa.

Ayon kay Hontiveros, kailangang liwanagin ng DDB sa isang masusing pag-aaral kung ilan ang mga “drug user, drug dependent, occasional users at one time users.”

“More than the budgetary concerns, this is also a life and death issue. We cannot judge who lives or dies based on a guesstimate,” diin ng senadora.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?