32

Oct 4, 2021 @ 19:44
By

Gobyerno naglaan 60 milyon bakuna sa mga bata

Naglaan ang National Task Force Against COVID-19 ng 60 milyong doses ng COVID vaccine para sa mga batang edad 12-17 na nakatakdang bakunahan simula sa Oktubre 15.

Ito ang inihayag ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez sa press briefing sa Malacañang kasunod ng ginagawang paghahanda para sa pagbabakuna sa mga bata.

Ayon kay Galvez, nasa humigit kumulang 29 na milyon ang populasyon ng mga kabataang pwedeng mabakunahan kaya naglaan ang Task Force at Department of Health ng 60 milyong bakuna.

“Ang ating ini-allocate dahil ang bilang ng children population is more or less 26 to 29 million, nag-allocate po tayo ng 60 million,” ani Galvez.

Sa ngayon ay tanging bakuna ng Pfizer at Moderna ang pinayagan at binigyan ng Food and Drug Administration ng permiso para magamit para sa mga batang edad 12-17.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?