24

Oct 5, 2021 @ 17:07
By

Gobyerno may P1.5B pang utang sa Pharmally

Mahigit sa P1.5 bilyon pa umano ang kokolektahin ng Pharmally Pharmaceutical Corporation sa gobyerno bilang kabayaran para sa COVID-19 medical supply.

Sa ika-11 pagdinig ng Senate blue ribbon committee, sinabi ni Pharmally corporate secretary-treasurer Mohit Dargani na nakatanggap ang kanilang kumpanya ng purchase mula sa Department of Budget and Management-Procurement Service (PS-DBM) na nagkakahalaga ng P10 bilyon.

Subalit sabi ni Dargani, hindi pa umano sila nababayaran ng buo ng gobyerno. Sa kasalukuyan, P8.5 bilyon pa lamang ang kanilang natatanggap na kabayaran kaya’t may balanse pa ang gobyerno sa kanila na P1.5 bilyon.

Nang tanungin ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang Pharmally kung okay lang sa kanila na ipagpaliban muna ang pagbabayad ng unpaid balance hangga’t hindi pa naayos ang mga isyu ng kasunduan sa pagitan ng gobyerno at ng kumpanya, sinabi ni Dargani na pagdedesisyunan umano ito ng kanilang kumpanya.

“I can only speak for myself. I cannot speak on behalf of the company. This is something that the board needs to decide on,” sagot ni Dargani sa tanong ni Drilon.

Tinanong din si Dargani ni Drilon kung kanya bang irerekomenda na suspenduhin ang koleksiyon sa mga hindi pa nababayrang utang ng gobyerno, sinabi ng una na: “I will have to defer this to the board. It is not my decision.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?