21,863

Apr 4, 2020 @ 12:07
By

Gobyerno magnanakaw daw: Ligo boycott, sigaw sa socmed

Umalingasaw sa social media ang #boycottligosardines, matapos na mag-post umano sa social media ang isa sa executive ng food brand na sinabing magnanakaw ang gobyerno.

Naglipana sa Twitter ang screenshot na galing umano kay Mikko Lawrence Tung, ang vice president for production ng Ligo, na sinabing ididirekta ng kanilang kompanya ang kanilang tulong sa mga non-government organization at mga ospital.

“We will do more good on our own, that trusting our donations to the government,” saad sa post. “This is theft before our very eyes.”

Kaya naman nainis ang mga kampi kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa nasabing post, at hiling na i-boycott ang Ligo sardines.

Depensa naman ng ilan, may karapatan ang Ligo na mamili kung saan mapupunta ang kanilang donasyon, na matatandaang inanunsyo na kanilang pondo para sa advertising para ibigay sa COVID-19 relief efforts.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?