115

By

Gobyerno lugmok sa P100B na utang – Andaya

Binalaan ni House Majority Leader Rolando Andaya Jr. ang gobyerno na maaaring maakusahan ng swindling o panloloko kung hindi agad babayaran ang nasa P100 bilyon utang sa mga kontratista.

Hindi itinanggi ni Budget Secretary Benjamin Diokno sa Question Hour ng Kamara ang tungkol sa P100 bilyong utang kung saan P44 bilyon dito ay mula sa natapos nang mga proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

“Hindi lang mukhang balasubas dito ang gobyerno. This will definitely cause an economic slowdown. Kung hindi mababayaran ng DBM ang P100 bilyon na utang nila,” ani Andaya.

Sabi ni Andaya, mismanagement ito at malinaw na may kapabayaan si Diokno.

Hangga’t hindi anya nalilinis ng kalihim ang sarili sa mga bagay na ito ay hindi rin mawawala ang duda ng publiko na ligtas ang pera ng taumbayan sa ilalim ng kanyang liderato.

Mas lalo lamang umanong nakakaduda ang pagsingit ng DBM ng dagdag na P75 bilyon sa DPWH sa ilalim ng 2019 national budget.

“The billion-dollar question: why then did Secretary Diokno insisted on inserting an additional P75 billion in the DPWH infrastructure projects for 2019 when the DBM has no money to pay for P100 billion debt to contractors and suppliers? Mag-iinsert ka ng P75 billion, ‘di naman pala mababayaran mga utang?” tanong ni Andaya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?