dof
By

Gobyerno, lugi sa tax incentives sa mga negosyante – DOF

Sharing is caring!

Daan-daang bilyong piso ang nawawalang kita ng gobyerno dahil sa tax incentives na ipinagkakaloob sa malalaking negosyante.

Sa presentasyon ng Department of Finance, noong 2015 ay umabot ng P301 billion ang nawala sa kaban ng pamahalaan resulta ng tax incentives.

Pinakamalaking parte nito ay ang sa import value added tax (VAT) na umabot sa P159.8 billion.

Ito ang dahilan kung bakit isinusulong ng Duterte administration ang rationalization ng tax incentives sa mga negosyo sa pamamagitan ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) 2.

Sa kasalukuyan, may mahigit isang daang batas na nagbibigay ng tax incentives.

pero iginiit ni House ways and means committee chairman Dakila Carlo Cua sa economic managers ng administrasyon ang agarang pagpapatupad muna ng social welfare benefits program sa ilalim ng TRAIN 1.

Ayon kay cua, kailangang patunayan muna na epektibo ang implementasyon ng naunang tax refom at hindi ito lubos na pahirap sa publiko bago nila atupagin ang TRAIN 2.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?