5

Aug 10, 2020 @ 9:33
By

Gobyerno kontrolado pa COVID crisis – Año

Kontrolado pa rin umano ng gobyernong Duterte ang krisis na dulot ng coronavirus disease 2019 kahit pa papalo na sa 130,000 ang mga indibidwal na nahawa ng sakit sa bansa.

“We are still in control,” sabi ni Interior Secretary Eduardo Año sa panayam sa ANC.

“We placed NCR [National Capital Region] and four provinces under MECQ because we know that our hospitals are overwhelmed so we have to restrict the movement of the people but eventually, we hope the numbers will improve,” aniya pa.

Hindi aniya agad na makikita ang epekto ng modified lockdown sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal.

“We always see the effect of an MECQ (modified enhanced community quarantine) within the incubation of 14 days, it’s not like magic that when we declare MECQ then everything will be okay. We have to do a lot of effort,” ayon sa kalihim.

Sa ngayon, nangunguna ang Pilipinas sa dami ng mga COVID-19 case sa Southeast Asia.

Mayroon na tayong 129,913 kumpirmadong kaso ng pagkahawa, kabilang ang 2,270 namatay at 67,673 gumaling.

59,970 ang active coronavirus case sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?