By

Gobyerno kinansela na ang peace talks sa CPP-NPA-NDF

Sharing is caring!

Tinapos na ng pamahalaan ang usaping pangkapayapaan sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front.

“We are hereby announcing today the cancellation of all planned meetings with the CPP/NPA/NDF in line with President Duterte’s directive that there will be no more peace talks with them,”, pahayag ni Office of the Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza sa isang statement.

Ayon kay Dureza, ang mga nagyaring mga insidente sa bansa na kagagawan ng mga komunista ay nag-udyok sa Pangulo na kanselahin ang peace talks

Subalit giit ni Dureza, maaring mabuhay ang peace talks kung magkasundo ang parehong panig na mag-uisap sa isang “enabling environment” para sa negosasyon.

“There will be no peace negotiations anymore with the CPP/NPA/NDF until such time as the desired enabling environment conducive to a change in the government’s position becomes evident. We will closely watch the developments,” sabi ni Dureza.

Pinasalamatan naman nito ang third party facilitator, ang Royal Norwegian Government, sa kanilang suporta sa negosasyon. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?