90
ABANTE-TNT-doj-aguirre-gobyerno
By

Gobyerno, kinansela ang pagtatayo ng modernong bilangguan

Sharing is caring!

Hindi na itutuloy ng gobyerno ang pagtatayo ng modernong bilangguan sa Nueva Ecija.

Kinumpirma ito ni Department of Justice (DOJ) Secretary Vitaliano Aguirre matapos mapagtanto ng administrasyon na ang proyekto ay mangangailangan ng P150 billion bilang pondo.

Nasa proseso na ng bidding ang proyekto na itatayo sana sa pamamagitan ng Public-Private Partnership Program nang magpasya ang administrasyon na hindi na ito ituloy.

Paliwanag ni Aguirre, sa halip na magtayo ng centralized na bagong bilangguan, napagpasyahan nila na maglagay na lamang ng prison facility sa bawat rehiyon.

Bilang paunang pondo, naglaan na umano ang mga mambabatas ng P2.2 billion sa pondo ng Bureau of Corrections (BOC).

“During the approval of our budget, the amount of P2.2 billion was inserted to build the additional buildings for the penitentaries which will cost P600 million per area,” paliwanag ni Aguirre.

Kung gagawin kasing “regionalized” ang pagtatayo ng mga prison facility, hindi pa umano aabot sa P50 billion ang gagastusin ng pamahalaan.

“The principal objection why the Nueva Ecija project was scrapped was because of inconvenience which will be experienced by the relatives or visitors of the prisoners,” dagdag ni Aguirre.

Plano umano ng DOJ na simulan na sa susunod na taon ang pagtatayo ng mga bagong prison facility kung saan prayoridad ang konstruksyon sa Nueva Ecija para sa Region, may isa rin na itatayo sa Norte at daragdagan din ang mga gusali sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa City at maging sa Correctional Institution for Women sa Lungsod ng Mandaluyong. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?