28

Jan 9, 2021 @ 19:49
By

Gobyerno kinalampag sa pagsirit ng presyo ng galunggong

Hiniling ng isang grupo ng mga mangingisda sa gobyerno na magtakda na ng price ceiling upang mapigilan ang pagtaas ng presyo ng galunggong at iba pang isda sa palengke.

Ayon sa Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya), hindi na isda ng mahihirap ang galunggong dahil umakyat na ito sa P250 kada kilo.

“Galunggong is no longer a poor man’s fish with its average retail price of P250 per kilo,” pahayag ni Pamalakaya chair Fernando Hicap.

Umaray ang grupo na sa kabila na mababa ang farm gate price ng galunggong ay dumadaan ito sa apat hanggang limang middlemen o negosyante kaya tumataas ang presyo nito pagdating sa mga pamilihan.

Sabi ng Pamalakaya, nasa P60 kada kilo lamang ang farm gate ng galunggong, na apat na beses na mas mababa sa retail price.

“The national government must intervene by imposing a price control that would be reasonable and beneficial for local producers, and not burden the poor consumers,” giit ni Hicap.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?