15

By

Gobyerno kikita pa rin ng P1.7-T kahit ibaba sa 10% ang VAT – Lacson

Sharing is caring!

Naniniwala si Senador Panfilo Lacson na makakakolekta pa rin ang pamahalaan ng P1.7 kahit na ibaba sa 10 porsiyento ng value-added tax (VAT).

Sa isang panayam sa radyo, ipinaliwanag ni Lacson na ang projected na P1.7 trilyon na manggaling sa VAT ay mula rin sa inaasahang nominal gross domestic product o GDP ng bansa na nagkakahalaga ng P17 trilyon.

“Kung itu-12 percent natin ‘yon, sa VAT pa lang, ang madye-generate na revenues ng gobyerno ay aabot ng P2 trillion. So sabi ko, pwede na itong ibaba ng 10 percent,” paliwanag ni Lacson.

“Kung 10 percent, maliwanag na P1.7 trillion mahigit ang makukuha ng gobyerno natin sa VAT pa lang, pwera pa yung ibang pinagkukunan ng revenues ng gobyerno,” dagdag pa nito.

Ang inaasahang P1.7 trilyong kita mula sa VAT ay two-thirds na national budget ng bansa.

Si Lacson ang nagtutulak na ibabat ang VAT sa 10 porsiyento mula sa kasalukuyang 12 porsiyento. (Dindo Matining)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?