40

By

Gobyerno kapos sa health workers – DOH

Sharing is caring!

Nababahala ang Department of Health (DOH) sa kakulangan mga health professional sa bansa gaya ng mga doktor at nurse.

Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque, malaki ang kakulangan ng mga health workers sa Pilipinas lalu na kung ikukumpara sa itinakdang pamantayan ng World Health Organization (WHO).

Sinabi ni Duque na batay sa datos ng DOH, mayroon lamang 17 healthworkers para sa kada sampung libong mamamayan sa bansa, gayong ang pamantayan ng WHO ay 40.3 health workers para sa kada sampung libong populasyon.

Partikular na ipinunto ni Duque na ugat ng problema ng kakapusan ng pwersa ng paggawa sa health sector ay ang pangingibang bansa ng mga Pilipinong health professional sa hangad ng magkaroon ng mas maginhawang buhay.

Kaugnay nito, naghahanap na umano ng solusyon ang DOH kumg paano malulutas ang isyu ng “exodus” sa hanay ng mga Pilipinong doktor at nurse.

Kasama umano sa nais nilang matugunan ay ang mababang sweldo at kawalan ng pagkakataong umunlad bilang mga propesyunal ng mga health workers sa bansa. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?