By

Gobyerno, hindi pasimuno ng fake news – Andanar

Sharing is caring!

Nanindigan si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar na walang fake news na nagmumula sa gobyerno.

Ito ang kongkretong pahayag ng kalihim sa isang pulong balitaan sa Maynila sa bisperas ng panibagong fake news hearing sa Senado.

Ayon kay Andanar, tiwala siya sa mga taong bumubuo ng mga communications arm ng pamahalaan na pawang mga propesyunal gaya ng PIA, PTV, RTVM, PNA at PBS Radyo Pilipinas.

Sa oras man aniya na may lumabas na fake news ay mahaharap ang mga ito sa karampatang parusa na naaayon sa batas.

Kasabay nito ay nilinaw ni Andanar na wala nang dapat pang gawing batas laban sa fake news dahil sapat na ang mga panuntunan ng Konstitusyon laban dito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?