119

Jan 30, 2019 @ 16:45
By

Gobyerno dapat nang gumamit ng ‘dahas sa dahas’ – Enrile

Kung hindi umano umiiral ang Martial Law sa Mindanao ay baka mas malala pang karahasan ang danasin ng rehiyon.

Ito ang pahayag ni dating senador Juan Ponce Enrile matapos ang panibagong pagsabog sa isang mosque sa Zamboanga City nitong Miyerkoles na kumitil ng dalawa katao habang apat pa ang sugatan.

Ayon sa report, isang granada ang sumabog sa loob ng mosque.

Bago nito, dalawang pagsabog na ang naganap sa isang cathedral sa Jolo, Sulu kung saan nasa 21 na katao ang nasawi habang daan pa ang sugatan.

Pinayuhan din nito ang gobyerno na gumamit na ng dahas laban sa dahas sa pagtugis sa mga terorista.

Nauna nang iginiit ng Malacañang na sa kabila ng madugong pagpapasabog sa Jolo ay nananatili umanong epektibo pa rin ang Batas Militar sa Mindanao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?