7

Jan 11, 2021 @ 14:49
By

Gobyerno dapat may ambag din sa SSS – grupo

Punto ng isang labor group, nakasaad sa batas na dapat may sariling kontribusyon ang pambansang gobyerno sa Social Security System (SSS).

“’Yung national government ay ni-require na magbibigay ng appropriations sa SSS annually, pero hindi ito sinusunod ng ating gobyerno mula noong naitayo itong SSS,” sabi ni Nagkaisa chairperson Sonny Matula sa isang forum, Lunes.

“Ang nagko-contribute lang ay ang employer at workers mula 1957, maliban sa naunang P500,000 seed money ng SSS na nagmula sa gobyerno,” dagdag niya.

Itong pag-ambag ng gobyerno sa SSS ay batay aniya sa Section 20 ng Social Security Act of 2018.

Ipinasa ang Social Security Act of 2018 para tiyakin ang pangmatagalang kakayahang mabuhay ng fund life ng SSS. Pinag-uutos nito ang 1% pagtaas sa kontribusyon ngayong taon, na magtutulak sa buwanang contribution rate patungong 13%.

Sa forum, nanawagan sa pamahalaan ang Nagkaisa at iba pang mga workers at employers groups na ipagpaliban ang contribution hike para sa mga SSS member.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?