38

Oct 24, 2017 @ 17:45

Gobyerno, binalaan sa alok na pautang ng World Bank

Duda si Gabriela Rep. Emmi de Jesus sa magiging papel ng World Bank sa rehabilitasyon ng Marawi City.

Kasunod ito ng commitment ng World Bank na tulungan ang gobyerno sa pagbangon ng Marawi mula sa giyera.

Babala ni de Jesus, notoryus ang nasabing institusyon sa pagtatakda ng mga kondisyon kapalit ng tulong at pautang.

“The World Bank should have no role at all in the Marawi reconstruction and rehabilitation given its notoriety in imposing loan conditionalities that push pro-business reforms and open up local economies for corporate plunder,” ayon kay de Jesus.

Baka aniya maglatag na naman ito ng mga pro-business na kondisyon sa pautang o tulong sa Marawi na maaaring magbukas sa lungsod sa pananamantala ng mga negosyante.

“We fear that the WB template for rehab will open up Marawi City to foreign business interests eyeing tourism, trade and oil, robbing Maranaos of their own resources while the corporate entities bank on the massive housing problem,” sabi ng kongresista.

Dahil dito’y umapela ang mambabatas sa pamahalaan na isantabi ang anumang alok na pautang ng World Bank na tiyak umanong dagdag pahirap lamang sa Pilipinas. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?