147

Feb 23, 2021 @ 15:29
By

Gobyerno balak ibasura travel authority, health certificate para sa mga biyahero

Target ibasura ng gobyerno ang travel authority at mga medical certificate na kinakailangan ng biyahero upang mabalanse umano ang mga travel protocol sa bansa ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary for Operations Epimaco Densing III.

“Ang gusto na namin tanggalin yung travel authority at local health certificate kasi medyo irrelevant na. ‘Yung mga kapulisan natin halimbawa instead na peace and order ang kanilang focus, karamihan na nasa presinto nagiissue na lang ng travel authority,” tugon ni Densing sa panayam ng TeleRadyo nang tanungin kung may balak ba ang ahensyang pag-isahin ang mga travel protocol sa bansa.

Aniya, wala na ring mahalagang papel na ginagampanan ang mga health certificate dahil maaari namang magpositibo sa COVID-19 ang holder nito matapos itong iisyu.

“Pangalawa, ‘yung city health certificate hindi na relevant kasi kukuha ako ng health certificate tapos after three days pa ako magbiyahe wala na siyang relevance din dahil maaaring magkaroon ako ng Covid-19 along the way,” paliwanag ni Densing.

Sambit niya, pag-uusapan pa ng mga opisyal ang balak na pag-iisa ng mga health protocol sa bansa.

“May kalituhan pero dahil may government at IATF [Inter Agency Task Force] policy na kailangang dahan-dahan para makagalaw for purposes of tourism, kailangan mayroong common protocols,” wika niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?